2. Hindi mo madadala sa langit ang iyong kayamanan, subalit ang mga mabuting bagay na iyong nagawa ay mananatili magpakailanman.
3. Ganyan talaga ang buhay, kailangan mong matuto at masanay,
itatak mo sa isip mong hindi lahat ng tao sa paligid mo ay tunay.
4. Hindi sa mukha nakikita ang tunay na ganda, Kundi sa ugali at respeto sa kapwa.
5. Hindi sa pera masusukat para masabing swerte ka, minsan sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sayo sobrang swerte na.
6. Kapag NANAY kana di pwede yang mahinhin kumilos dapat mabilisan sa dami ng mga gawain sa bahay tapos may anak kapang alagaan.
7. Saway sa umaga.
Saway sa tanghali.
Saway sa gabi.
Buhay ng nanay na may anak na pasaway.
8. Yung magandang babae, marami yan. Pero yung babaeng titiisin ang ugali mo at sasamahan ka sa hirap at ginhawa, bihira yan.
9. ❝ Kapag nanira ka ng walang dahilan at gumagawa ka ng kwentong walang basehan, inggitera at tsismosa ang tawag dyan. ❞
10. ❝ Ang taong may galit sayo, maghahakot ng iba para magalit din sayo. Ang hindi nila alam, pinagpapala ang mga taong inaapi. ❞
Comments
Post a Comment